Dalawang gold, isang silver at isang bronze ang nauwi ng Philippine Team sa katatapos na kauna-unahang International Dragon Boat Federation World Cup sa Fuzhou, China.
Tinalo ng Cobra Philippine Dragon Boat Federation Team ang Powerhouse Team ng China sa dalawang kategorya, sa 100-meter mixed standard boat category at 500-meter mixed standard boat category.
Pumangalawa naman ang Pinoy Paddlers sa 200-meter mixed standard boat at bronze medal sa men's and women's 400-meters relay.
Sa kabuuan, nagtapos ang Philippine Team sa no.2 o silver ranking sa World Cup na pinaglabanan ng labing dalawang bansa.