Apat katao ang patay habang dalawa ang malubhang nasugatan ng tamaan ng kidlat sa magkakahiwalay na lugar sa Ilocos Region.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Rosita Cortez, 73-anyos, ng Barangay Cabaroan, San Juan, La Union; Catherine Arciaga, 31-anyos, kapitbahay ni Cortez; Edmundo Laroya, 26-anyos, ng Barangay Ibaan Norte, Rosario, La Union at Bonifacio Fabro, Jr., ng Barangay Lantag, Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Si Cortez ay nakahawak ng itak at nagtatanggal ng mga damo sa kanilang bakuran ng biglang umulan at kumidlat at doon tinamaan ang lola kasama si Arciaga.
Isinugod sa Bacnotan District Hospital si Cortez at Arciaga ngunit sila ay dead-on-arrival.
Si Laroya at Fabro ay parehong namatay matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa ulan sa kani-kanilang lugar.