Tiniyak ng Department of Health o DoH na nakahanda ang gobyerno sakaling makapasok sa bansa ang H7N9 Bird Flu Virus.
Matatandaan na ang Pilipinas ay naapektuhan na rin ng bird flu virus tulad ng H1N1 and H5N1.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, mabuting maging handa sakaling makapasok nga sa bansa ang nasabing virus.
Sinabi rin ni Lee Suy na maging ang Department of Agriculture’s Bureau of Animal ay patuloy na nagmomonitor sa mga livestock sector.
Sa ulat, sinabing ang Pilipinas, Indonesia, Bangladesh, India at Vietnam ay nasa panganib dahil sa H7N9 virus dahil tulad sa China ay may mga “live bird markets” sa mga mataong lugar.
Ang H7N9 ay isang virus na unang tumama sa China noong March 2013.
Gayunman, ‘di tulad sa H1N1, ang H7N9 ay hindi agad nakakahawa.