Patay ang isang Lolo matapos natuklaw ng ahas sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Kinilala ang biktima na si Lolo Prudencio Agustin, 74-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Bagbago, Solsona, Ilocos Norte.
Ayon sa anak ng biktima na si Freddie Agustin, tinuklaw ng ahas ang kamay ng kanyang Tatay habang kumukuha nito ng natuyong dayami sa isang kubo upang ipakain sa kanilang alagang kalabaw.
Sabi pa ni Freddie, isinugod pa nila ang kanyang Tatay sa tradisyonal na manggagamot sa kanilang barangay ngunit hindi nito kinayang alisin ang kamandag ng ahas sa katawan ng kanyang Tatay.
Dahil dito ay itinakbo pa rin nila sa Dingras District Hospital ngunit binawian na ng buhay.
Samantala, ang ahas ay namatay din matapos pinagtulong-tulungan paluin ng mga kapitbahay ng biktima.