Hindi na pwedeng ipunin ang mga barya dahil gagawing krimen ang coin hoarding sa ating bansa sa ilalim ng panukalang isinusulong sa Kamara.
Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill 4411 ni Batangas Rep. Sonny Collantes, kung saan makukulong ng walong taon at pagmumultahin ng P300,000 ang sinumang mahuling lalabag dito.
Gayunman, napagdesisyunan naman ng mga mambabatas na huwag isali ang mga charitable institutions, financial institutions, pribadong bangko, at mga ahensiya ng gobyerno sa nasabing panukalang batas.
Sa ilalim pa nang nasabing panukala, dapat bumuo raw ang BSP ng implementing rules and regulations para masabi kung hoarding ito ng barya.