BACOLOD CITY - Swerte na nakaligtas sa malubhang tama ng baril sa katawan ngunit hindi naman nakaligtas ang ari ng isang lalaki matapos binaril sa lungsod ng Bacolod.
Kinilala ang biktima na si Reymund Babor, 20-anyos, residente ng Brgy. Bata, Bacolod City.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:15 noong Lunes ng gabi nang magkaroon ng komosyon sa pagitan ng biktima at ng hindi pinangalang kaibigan nito.
Ito ay binaril ng suspek gamit ang 12-gauge shot gun ngunit sa halip na sa katawan ay sa kanyang ari tumama ang mga bolitas ng bala.
Confine ngayon si Babor sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod.