Mas malalim ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga kasali sa kauna unahang Pinangat Balsa Competition sa Albay.
Kinilala ang biktima na si Jocel Nova , 48-anyos ng Sumlang Camalig, Albay.
Sa gitna mismo ng kompetisyon nawalan ng malay ang biktima.
Sinasabing inatake si Nova ng sakit na epilepsy habang nakikipag-unahan sa kanyang mga kalaban.
Naisugod pa ito sa ospital subalit hindi rin nagtagal nang ito ay bawian ng buhay.
Kaugnay nito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa iba pang anggulo dahil napag-alamang nakainom ang biktima ng ito ay sumali sa nasabing kompetesyon.