Nagbabala ang Pagasa sa posibilidad na mabuo bilang bagong bagyo ang Low Pressure Area o LPA na nasa West Philippine Sea.
Sa pagtaya ng Pagasa, maaari itong lumakas sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Kung magiging ganap na bagyo, tatawagin ito bilang tropical depression Florita na siyang magiging ika-anim na sama ng panahon para sa taong 2014.
Pero kahit hindi maging malakas na bagyo, paiigtingin pa rin nito ang hanging habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Metro Manila, Palawan, Central at Northern Luzon.