Mariing tinutulan ng Department of Agriculture o DA ang panukala ng ilang negosyante sa poultry at livestock industry na mag-angkat na ng mga manok at baboy bilang additional supply.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Operations Jose Reaño, nananatiling stable ang supply at farm gate prices ng karne ng baboy at manok sa kabila ng pagtaas ng presyo ng produkto.
Sa nakalipas na tatlong linggo, ang farm gate prices ng manok ay nasa P92 hanggang P97 pesos per kilo habang nasa P115 hanggaang P129 pesos per kilo ang karneng baboy, kaya’t ang Pilipinas ang may pinakamababang presyo ng chicken at pork sa buong ASEAN Region.
Gayunman, simula June 19 ay tumaas ang retail prices ng manok at baboy ng halos 100 porsyento kumpara sa farm gate prices gayong dapat ay hanggang P30 lamang kada kilo ang maaaring itaas ng mga bilihin.
Naniniwala si Reaño na sinasamantala ng mga trader at retailer ang presyo ng manok at baboy.