Balak ibalik sa merkado ng National Food Authority o NFA ang borwn rice.
Ayon sa NFA, ang pagdadagdag ng alokasyon ng bigas sa bansa para maibsan ang sinasabing kakulangan sa suplay ng bigas.
Una ng inalis sa mga pamilihan ang brown rice dahil hindi ito pinapansin ng mga mamimili.
Malayong mas masustansiya ang nasabing bigas kung ikukumpara sa ordinaryong bigas.
Maliban dito, balak ding magdagdag ng outlet ang NFA para sa mas maraming mamimili.
Ito ay alinsunod umano sa tema ng NFA na Dagdag alokasyon, Dagdag outlet, Dagdag bantay, Walang pagtataas presyo o DDDW.
Dagdagan rin ang suplay ng bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila kung saan sa dating 12,500 bags na bigas ay aabot na ngayon sa 25,800 sa isang buwan.
Nakapag-angkat na rin umano ang NFA ng tonetoneladang bigas sa ibang bansa na magsisilbing stock sakaling kulangin ng suplay.
Una rito, siniguro ng Malakanyang na sapat ang suplay ng bigas bago ang anihan sa sa Setyembre.