Haharangin ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pagpasok sa mga pamilihan sa bansa ng bagong lathalang "10-dash line" map ng China.
Sa bagong labas na mapa ng China, makikita kung paano nitong sinasakop ang mga pinag-aagawang teritoryo kabilang ang West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, makikipag-ugnayan sila sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno para hindi makapasok o kumalat sa bansa ang mga naturang mapa.
Giit ng DFA, ang laman ng mapa ng isang bansa ay dapat nakabatay sa international law at hindi basta-basta maaaring iimbento.
Binatikos ng pamahalaang Pilipinas ang naturang mapa na umano'y nagpapaigting lalo ng tensyon sa rehiyon bunsod ng mga pinag-aagawang teritoryo.
Bukod sa teritoryo ng Pilipinas, sumasakop din ang naturang "10-dash line" map ng China sa mga teritoryo ng Malaysia, Brunei at Vietnam.