Naging palaisipan ng DepEd Sarangani ang pagdadala ng isang guro ng pin gun matapos aksidenteng pumutok at tinamaan ang isang Grade 4 pupil.
Nalaman na nagkibit balikat lamang ang iilang opisyal ng DepEd matapos pumutok ang pin gun ng Grade 4 Adviser na si Gina Boris ng Kalpidong Elementary School Glan Sarangani.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na may kinuha umanong bagay sa ibabaw ng mesa ang biktima nang masagi sa kamay ng 11-anyos ang pin gun ni Boris at aksidenteng pumutok at natamaan sa kaliwang binti kaya dinala sa pagamutan.
Hawak na ng pulisya ang caliber 22 na pin gun habang inaalam ang motibo ng may-ari kung bakit hinayaang ipatong sa taas ng mesa.
Kinuwestyon din ang DepEd dahil hanggang pagbasa lamang sa police report ang ginawa at walang konkretong solusyon sa nasabing insidente.