Posibleng makaapekto sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang papalapit na Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng Visayas.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 390 kilometro sa silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Dahil dito, inaalerto ng Pagasa ang mga lugar na dati nang tinamaan ng super typhoon Yolanda dahil sa posibilidad ng mga pag-ulan na maaaring humantong sa bahagyang pagtaas ng tubig.
Maliban sa Eastern Visayas, asahan din umano ang maulang panahon sa Bicol, Caraga at Northern Mindanao.
Sa ngayon ay may 30 porsyentong posibilidad pa lang ang LPA para lumakas at maging bagong bagyo.