Malamig ang MalacaƱang sa hirit na dagdag sweldo sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ipinauubaya nila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang pag-aaral at pag-apruba sa wage hike.
Ayon kay Coloma, sa ilalim ng umiiral na batas, kailangan ng supervening events para magtaas ng sweldo.
Inihayag ni Coloma na hindi pa maituturing na supervening events ang nangyayaring artificial na pagtaas ng presyo ng bigas, bawang, luya at iba pa.
Tiniyak naman ni Coloma na prayoriadd ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagpapanatili ng monetary stability para maibsan ang epekto ng inflation rate sa bansa.