Maliban sa ibang bilihin, tumaas na rin ang presyo ng mantika sa merkado publiko ng anim na piso kada lapad.
Pero ayon sa Department of Trade and Industry, normal lang ang bahagyang pagtaas presyo ng bilihin sa tatlo hanggang limang pursiyento sa orihinal nitong presyo.
Maliban sa mantika, nagtaas na rin ang presyon ng bihon mula sa P60 ay naging P66 na ang kada kilo.
Gayunman, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng ibang bilihin ay bigla namang bumaba ang presyo ng luya sa isang daan at limampung piso kada kilo, ang kalamansi ay bumaba rin ang presyo mula sa P50 kada kilo ay mabibili na ito sa P40.
Patuloy naman ang monitoring ng DTI sa presyo ng basic at prime commodities para masigurong walang overpricing.